Social responsibility ng mga korporasyon isinabatas

PASADO na sa ikatloing pagbasa ang pagkakaroon ng social responsibility ng lahat ng mga korporasyon sa bansa, lokal man o pag-aari ng ibang bansa.

Ayon kay Rep. Diosdado Arroyo (2nd District, Camarines Sur), sa House Bill 4575, magkakaroon ng sustainable economic development at proteksyon sa kapaligiran sa pamamagitan ng paghikayat ng pagkakaroon ng corporate social responsibility (CSR) sa mga organisasyion ng mga negosyante, single proprietorship man, partnership o korporasyon.

Aniya, lahat ng establisadong business organization na naririto sa Pilipinas ay nasa ilalim ng bansa, kahit pa ito foreign business.

Hihikayatin silang magkaroon ng CSR o magkaroon ng commitment upang makapag-contribute ng boluntaryo sa isang sustainable economic development sa pamamagitan ng pagkakaroon ng makahulugang stakeholders upang mapabuti ang kanilang buhay sa paraang makabubuti sa negosyo at sa society.

Ani Arroyo, kasama sa CSR-related activities ang mga charitable programs at mga proyekto, scientific research, youth and sports development, promosyon ng kultura at edukasyon, serbisyo sa mga beterano at senior citizens; social welfare; environmental sustainability; health development; disaster relief assistance at mga employee-employer related CSR activities.

Ayon naman Rep. Gloria Macapagal-Arroyo (2nd District, Pampanga), co-author ng panukalang batas, hihikayatin din ang mga kumpanyang kasama sa CSR, stock corporations na ipagbawal ang pagkakaroon ng surplus profits na sobra sa 100 porsiyento ng kanilang ibinayad na capital stock liban na lamang kung kayang pangatawanan ng kanilang kumpanya na mayroong corporate expansion o corporate social responsibility projects and programs na inaprubahan ng board of directors.

Ani Macapagal-Arroyo, lahat ng kontribusyon o regalo na na ibinigay ng isang korporasyon sa mga accredited institutions ay ibabawas sa computation ng kanilang taxable income.

Sa nasabing batas na tatawaging “Corporate Social Responsibility Act of 2011,” ang bansa sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry (DTI), ay magbibigay ng national recognition at awards sa mga business establishment para sa kanilang magandang ginawa.

Ang Departments of Finance (DOF), Trade and Industry (DTI) at Securities and Exchange Commission (SEC) ang naatasang magpalaganap ng rules and regulations ng nasabing batas.

Ilan sa mga co-authors nito ay sina Reps. Albert Raymond Garcia (2nd District, Bataan), Juan Miguel Macapagal-Arroyo (Party-list, Ang Galing Pinoy), Winston Castelo (2nd District, Quezon City) at Bernadette Herrera-Dy (Party-list, Bagong Henerasyon).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply