Solons, iwas-pusoy sa additional pork barrel

DUMISTANSIYA ang ilang senador sa akusasyon na tumanggap ng karagdagang P30 milyong pork barrel ang bawat senador na bumotong pabor sa pagpapaliban ng halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

Nagbigay rin umano ang Palasyo ng karagdagang P10 milyon kada kongresista na bomoto nang pabor sa ARMM bill.

Ayon kay Senate finance committee chairman, Sen. Franklin Drilon, wala siyang alam sa napaulat na karagdagang pork barrel para sa mga senador at kongresista na manggagaling sa Motor Vehicle User’s Charge lalo’t hindi aniya ito dumadaan sa pag-apruba ng Kongreso.

“13 taon na ako sa Senado, ni minsan hindi ako nakapag-avail ng anumang tulong mula sa MVUC. Hindi kagaya ng PDAF (Priority Development Assistance Fund), hindi dumadaan sa akin ang mga requests bilang chairman ng Finance committee. Sa budget, as a matter of coordination, the requests would pass through me, but not the releases under the Road Users Tax,” ayon sa senador.

Para naman kay Sen. Ping Lacson, sinabi nitong walang masama sa dagdag na pork barrel ng Malacañang dahil lahat naman aniyang kongresista at senador ay makatatanggap nito.

Ngunit hiling ni Lacson huwag naman sanang intrigahin pa ang tulong ng palasyo sa mga mambabatas para sa kanilang napupusuang proyekto.

Sa loob ng mahigit sa 11 taon ay hindi tumatanggap si Lacson ng pork barrel lalo na sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil dahilan lamang daw ito ng kurapsyon.

Pero sa pagkakataong ito, tinanggap ni Lacson ang dagdag na pork barrel ng Malacañang at ang kanyang pondo ay inilaan niya sa kanyang lalawigan sa Cavite at Camarines Sur.

Nabatid na ang mga senador ay may regular na P200 milyon na pork barrel habang P70 milyon naman sa mga kongresista bawat taon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply