South China Sea, West Philippine Sea na ngayon

TATAWAGIN ng West Philippine Sea ang South China Sea ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ang hakbag na ito ng PAGASA ay kaugnay sa pagpapatibay sa karapatan at pag-aari ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa Spratly Islands.

Ayon kay Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul, tutukuyin na nila sa kanilang weather advisories na West Philippine Sea ang naturang bahagi ng karagatan.

Ito aniya ay para maiwasan na ring malito ang publiko sa kanilang weather advisories.

Sa kauna-unahang pagkakataon noong Sabado, hunyo 11, ay ginamit ng Malakanyang ang taguring West Philippine Sea sa ipinalabas na reaksyon hinggil sa pinakahuling banta ng China.

Ginamit na rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang West Philippine Sea sa kanilang note verbales laban sa panghihimasok ng China sa nasabing area sa Spratly Islands.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply