Spratlys ‘di dapat pasukin ng ibang bansa – PNoy

BINALAAN ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang ibang bansa, lalo na ang mga umaangkin sa Spratly Islands, na hindi dapat pasukin ng mga ito ang teritoryo ng Pilipinas.

Ang babala ay isang pagpapakita ng paninindigan at tapang laban sa mga bansang minamaliit ang Pilipinas kumpara sa ibang bansang umaangkin sa Spratly island.

Matatandaang pinagsabihan ng Beijing ang mga katabing-bansa na itigil  ang oil exploration sa Spratlys kung wala itong permiso mula sa kanila.

Pero mabilis ding binawi ng Chinese ambassador at biglang sinabing bukas sila para sa joint exploration.

Kaugnay nito pinag-iingat naman ni Senate President Juan Ponce Enrile ang mga tagapagsalita ng Malakanyang sa kanilang mga binibitawang salita ukol sa isyu ng pinag-aawayang Spratly Islands.

Sinabi ni Enrile na nararapat na ipaubaya na lang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing isyu.

Ayon kay Enrile, lalo lamang makapagpapalala sa trabaho ng DFA ang patuloy na pagsasalita ng spokesperson ng Pangulo na posible pa umanong mag-back fire sa Palasyo.

Sakaling magkaroon man ng giyera sa pagitan ng bansang China at Pilipinas, hindi naman umano ang mga ito ang haharap.

Samantala, pabor naman ang senador sa ginagawang pagpatrolya ng Philippine Navy flagship na Raja Humabon sa Spratly basta’t hindi lamang umano lalabas sa teritoryo ng bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply