Spratlys ipaubaya sa marunong — Gloria

IPAUUBAYA na sa mga eksperto at marunong ang usapin ng Spratlys.

Ito ang payo ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kay Pangulong Aquino.

Aniya noong presidente pa siya ay lumikha siya ng komite upang humawak sa isyung ito sa pangunguna ni dating Executive Secretary Eduardo Ermita.

“To accomplish this we need to consult those who are knowledgeable on this issue. That’s what I did I consulted on that issue.”

Si GMA ay nagsagawa ng kauna-unahang press conference sa Prado Farm sa Lubao Pampanga Biyernes ng tanghali.

“I said that this dispute should be settled amicably. What we need to do is to solidify our position . During our administration we enact Republic Act 7522-to assure that our Baseline Law is in accordance with the law of the sea convention. That is the vital step in establishing the limits of our maritime jurisdiction but a lot of works still has to be done.”

Iminungkahi rin ni GMA na  buhayin ang nabanggit na komite upang magsagawa ng masusing pag-aaral sa isyu at magrekomenda kung ano ang mabuting hakbang sa Spratlys na inaagaw na ng China sa Pilipinas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply