Presyo ng asukal itatakda ng gobyerno

MAPIPILITANG magtakda ng suggested retail price (SRP) ang National Price Coordinating Council (NPCC) sa mga asukal dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo ng produkto sa pamilihan.

Batay sa ulat, natuklasan ng NPCC na sinasamantala ng mga negosyante ang pagtataas ng asukal na ibinebenta sa ilang pamilihan sa bansa.

Nalaman din ng Department of Trade and Industry (DTI) na sa kasalukuyan ay umaabot na sa P54 ang bentahan ng kada kilo ng refined sugar.

Nilinaw ng DTI na dapat mabawasan ng P2 ang kada kilo nito pagsapit ng Hunyo 15, at 50 sentimos naman bago matapos ang kasalukuyang buwan.

Samantala, nagbabadya ring tumaas ang presyo ng karne at gulay. Ito ay dahil na rin sa epekto ng malawakang fishkill sa Batangas at Pangasinan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply