SSS benefit payments sa Luzon umabot sa P4.77B

TINATAYANG aabot sa P4.7 bilyon ang ipinalabas ng Social Security System (SSS) sa loob ng tatlong buwan para sa lifetime pensions at short-term benefits ng mga kasapi at benepisaryo sa Luzon.

Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr. na nasa Baguio City sa consultative meetings sa stakeholders, ang kabayaran ay nasa 13 porsiyento mataas sa P4.24 bilyon sa unang  quarter ng 2010.

“Pension disbursements increased by 12 percent to P3.4 billion from only P3.04 billion from January to March last year,”ayon kay De Quiros at hinimok ang mga miyembro na regular na bayaran ang contributions para makatanggap ng   pensyon at  benepisyo.

Ang state-run pension fund ay nagbibigay benepisyo sa social security para sa may sakit,  maternity, disability, retirement at death benefits kung saan nagbibigay ang SSS ng garantiyang P20,000 reimbursement para  sa funeral expenses ng namatay na miyembro.

Ang SSS ay may 325,000 rehistradong employers at mahigit six milyon kasapi sa Luzon  kabilang ang 3.7 milyon  employees kung saan inaasahan na may magpaparehistrong 400,000 bagong mga miyembro sa  Luzon ngayong taon.

Saad pa ni De Quiros, ang ahensiya ay nagbayad ng P201.27 milyon sa maternity claims, P259.2 milyon sa funeral grants at P816.95 milyon lump-sum payments para sa retirement, death at disability.

Lumilitaw na ang claims ng may sakit, rehabilitation at medical services ay tumaas ng 18% sa P94.67 milyon pati ang kabayaran sa ilalim ng Employees Compensation Program sa pagkakaloob ng benepisyo sa mga miyembro sa mga nasaugatan sa oras ng trabaho, disabilities at pagkamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply