SSS website services pinalawak pa

PINALAWAK ng Social Security System (SSS) ang website services nito na www.sss.gov.ph upang tumanggap ng members’ benefit claims, loan applications gayundin ng availments at employers’ contribution at loan collection reports mula Hunyo 6.

Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr. na ang website enhancements ay magbibigay sa mga miyembro nito ng pagkakataon na mapadali at mapabilis ang pag-access sa mga produkto ng SSS at sa mga benepisyo mula rito.

“We want to make transactions easier and convenient. Part of this thrust is to offer services right in their own homes or offices thru the SSS website,” ayon kay de Quiros.

Kasama sa bagong features nito ang online facilities sa mga kumpanyang nais magsumite ng kanilang mga empleyado, contributions at loan collection reports gayundin ng maternity notifications ng mga manggagawa.

Ang mga self-employed at voluntary members ay maaari ding magsubmit ng salary loan applications at maternity notifications sa pamamagitan ng website.

“Apart from the website, we also have the TextSSS and the telephone-based Interactive Voice Reponse System, which employ the use of technology to enable members to inquire about their SSS records, loan and benefit eligibility and application status,” dagdag ni De Quiros .

May t 15,000 employers at 1.1 milyong miyembro nito ang naka rehistro sa SSS website.

Sa mga nais magtanong, ang mga miyembro ay maaaring tumawag sa SSS Online Services Support Department sa 920-6401 local 6201 at sa Facebook page sa http://www.facebook.com/sssonlineservice. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply