Staff ng senador, gustong agawan si mam

NAKAHIHIYA naman itong staff ng isang mambabatas dahil balak pa yatang agawan ang kanyang among babae ng suot na gown nito nang ito ay dumalo sa isang importante na okasyon.

Sa nasaksihan ng matang kuwago ng Remate, akalain ninyong ang staff na ito ay pinakialaman pa ang suot-suot na gown ni madam at pati buntot ng gown ay hawak hawak ni-ya, akala nga isa siyang bridesmaid. Iyun pala alalay lamang ng senador.

Ang staff na ito kasi ng senador ay feeling close at miyembro ng pamilya ni senador kaya kahit saan na lamang okasyon ay naroon ito. Ewan lang natin kung mayroon din siyang imbi-tasyon. Pakitanong na lang kay senador.

Tinalo pa nga ang Media Relations Officer ni Senador ng staff na ito dahil hindi pa nagsisimula ang kasalan ay naroon na at pinakikialaman pa ang lahat ng bagay.

Kasi ang gawain din nito

sa senado ay makialam nang makialam at magpapansin nang magpapansin, may masabi lang at mapansin lang siya ng tao.

Ang masakit nito itinapon na siya sa tanggapan ni senador dahil ibinalik na siya sa isang departamento ng Senado na kung saan walang maibigay sa kanyang trabaho dahil feeling niyang alam niya ang lahat gayong siyunga-siyunga pala ang utak.

Pati nga daw ang sistema ng pagkain sa lounge at pagpapakain sa mga senator ng lounge concessionaire na Yakitori Dori ay pinakikialaman gayong halos ilang taon nang nabuhay sa negosyo ang mag-asawang sina Mr.  at Mrs. Felix Espiritu.

Halos ang mga waiter sa lounge ay sinusuka siya dahil feeling senadora pag nag-paserve sa mga waiter at gusto siya ang unahin. Tinalo pa ang ibang director.

Basta ang sabi, nutritionist daw siya pero hindi alam ang magsukat ng pagkain at lumasa ng masarap na pagkain. At sinusuka rin ito sa opisina ng senador ng kanyang mga kapwa staff. Me ganoon pang isyu sa kanya hindi naman siya sikat.

Basta ang alam ko madilim este maliwanag ang buhay ko sa Senate lounge.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply