Staff ng senador yumaman sa mga proyekto ng amo

ANO ba naman ito? Sa kabila ng pagsusumamo at pagsisigaw ng mga grupo ng manggagawa na itaas ang kanilang suweldo, isang staff naman ng senador ang nagpapakasasa sa pera ng bayan na kanyang kinikita mula sa mga project ni senador.

Ang nakapagtataka, nang pumasok bilang empleyado ang naturang staff ni senador ay isa lang ang sasakyan nito at ang kanyang driver o alalay ay sarili niya mismong kapatid.

Take note ang kanyang kapatid na ito ay isa nang maporma ngayon sa Senado na akala mo ay kung sino at alam ng lahat na nang lumaon ay naging  empleyado na rin ito sa isang departamento sa Senado.

Balita pa nga ni matang kuwago ng Remate, hindi maaring hindi dumaan sa kanya ang mga proyekto ni senador bago ito aprubahan o dumating kay senador.

Biruin mo tinalo pa ang asawa o first lady ni senador. Siya rin kaya ang bag lady ni senador?

At matapos na hawakan ang mga project ni senador ay nakabili ng dalawa pang bagong sasakyan ang naturang staff at mayroon na siyang sariling driver.

At pag-sumasakay ang naturang staff sa kanyang sasakyan tulad din ng isang senador pinagbubuksan pa siya ng kanyang driver bodyguard.

Ang nakapagtataka, ang item ng naturang staff ay malayo sa kanyang ginagawa sa opisina ni senador dahil dual work siya as in dalawa ang kanyang puwesto na tulad ng isang appointment secretary aide pa kung minsan.

Maging ang iba pang mga staff ni senador ay nagtataka sa biglaang pagbabago ng buhay ng naturang staff.

Pero galing din naman sa maayos na pamilya si staff lalo na’t nagtapos ito sa kilalang paaralan sa Maynila na exclusive lang sa mga kababaihan na minsan pa ngang pinagburulan ang simbahan ng naturang paaralan ng labi ng isang pulitiko.

Ang balita ko pa nga, ang dating driver na kapatid ni staff ay ginawa pang espiya sa isang senador na tumakbo sa nakalipas na halalan subalit natalo sa puwestong kanyang tinakbuhan.

Actually, ‘di na kailangan ng clue dahil mayroon nang clue lalo na’t dating driver ang kapatid nito.

Ang katawan ng naturang staff ay hindi naman sobrang kalakihan subalit maputi ito at may pagka suplada.

Feeling talagang senadora at tinalo pa niya ang kanyang mabait at poging chief of staff na isang abogado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply