Staff ni mambabatas ang gumagawa ng lesson ni ma’m

TOTOO ba itong nabalitaan namin na hindi ang mismong asawa ng isang mambabatas ang siyang gumagawa at sumasagot ng kanyang mga homework at ga-wain sa kanyang pag-aaral kundi ang mismong staff o empleyado ng kanyang asa-wang mambabatas. Ano ba yan, madam.

Nabatid ng matang kuwago ng Remate na ang asawa ng mambabatas ay nag-enroll sa isang tinatawag na home based class o maaari kang mag-aral sa pamamagitan lamang ng internet, pagtawag sa iyong guro at pagre-report isang beses isang linggo o isang buwan.

Ang nakatutuwa rito, sa tuwing magkakaroon ng homework ang asawa ng mamababatas at nakatakda nang ipasa ay tinataranta nito ang staff ng kanyang asa-wa para lamang gawin ang kanyang assignments. Oh di ba sosyal si madam?

Walang pinipiling oras si misis kung tumawag sa staff ng kanyang asawa lalo na’t alam niyang hindi siya nito pahihindian. Kaya nga ang ibang gawain ng naturang empleyado ay iniuuwi pa sa bahay at kahit Sabado at Linggo ay nagtatrabaho ito sa bahay, kung minsan sa kanilang opisina.

Ang nakatutuwa, kung minsan, ang naturang empleyado pa ni Sir ang pinagsusumite ng sariling gawa nito sa profesor ng asawa ng mambabatas. Nakalulungkot, hindi poh ba? Lalo na’t ang naturang empleyado ay dapat nakatutok lamang sa gawain sa opisina ng mambabatas at hindi sa personal pang buhay ng asawa ni, sir.

Alam ninyo bang natapos ng asawa ng mambabatas ang naturang kurso nang walang kahirap-hirap? Hindi alam ng kanyang guro na hindi pa ito ang sumasagot at guma-gawa ng kanyang gawaing pang-aralan.

Nakalulungkot naman.

Ang asawa ng mambabatas na ito ang siyang dahilan kung bakit nakilala at ibinoto ang kanyang asawang mambabatas.

Isa rin itong bigong magiging pinuno ng isang kapulungan ng kongreso matapos na mabigong makakuha ng sapat na bilang at hindi makuha ang suporta ng kanyang kapartido at kamakailan lamang ay tinanggalan siya ng isang komite .

Isa rin siyang talunang pulitiko sa Quezon City. Mega noon pang isyu.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply