Starlet taghirap na dahil iniwan ni papa

KAWAWA naman ang starlet na ito na mula sa isang malaking network. Paiimbulog na sana ang kanyang career kaya lang nag-inarte. Umalis sa show dahil ayaw niya ng maraming kasama.

Kontrahin ba naman ang desisyon ng management, hayun, sinipa tuloy siya sa istasyon. Pinangakuan ng once-a-week show di na natupad.

Ngayon, hindi na siya mahagilap ng mga kaibigan. Nagtatago dahil sa sobrang depresyon.

Imagine, kumuha ng mga reporter na magsusulat sa kanya para raw matulungang umariba ang kanyang showbiz career, pero nang makumpleto ng mga manunulat ang kanilang trinabaho para sa starlet na ito, hindi na nagpakita.

Kapag tinatawagan ito, sasagot naman pero agad nitong papatayin ang cell phone.

Ayaw kasing tanggapin ang katotohanang siya’y wala ng salapi dahil nilayasan na ng kanyang papang negosyante dahil sa parating nawawala siya sa kanyang sarili.

Ngayon, binibenta ang bahay niya para raw may pampuhunan sa kanyang itatayong negosyo.

Pa’no pag nalugi?

Mag-isip ka ng sampung beses ning, suwerte ka na dahil may pag-aari kang tirahan. Kahit anong mangyayari, may makain ka man o wala, at least, hindi ka mistulang askal na kung saan-saan gagala at makikisilong.

Huwag ka ring mamili ng project dahil hindi ka pa sikat, day.

Kapag may karelasyon na, huwag ng gala nang gala kung saan-saan at nakikipaglandian sa mga basketbolista.

‘Yun lang!

***

MATAPOS pag-usapan ang nangyari sa young actor na si Matt Evans kung saan nabangga ang kanyang sasakyan sa isang poste, na-shock rin kami sa ibinalita ni Mama Daisy Romualdez nang bigla siyang tumawag sa aking cell phone at ikinuwento niyang binato raw ang sinasakyan ni Danita Paner na Toyota Gandia ng hindi kilalang tao sa kahabaan ng Coastal Road habang papauwi sila mula sa Marigondon, Cavite bandang alas-tres ng madaling araw last Tuesday, May 31.

Ayon kay Mama D., basag ang salamin sa driver side at mabuti na lang hindi tinamaan ang driver.

Agad nitong hininto ang minamanehong sasakyan at kanang baba ang driver biglang sumigaw si Danita na huwag na siyang bumaba at baka i-carnap ang kanilang sasakyan.

Mabuti naman at nakinig ang driver kaya pinatakbo nito nang mabilis ang sasakyan.

Kinaumagahan ini-report agad nila ang mga pangyayari sa NBI.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply