State of emergency sa Maguindanao di aalisin

WALANG dahilan para alisin ang idineklarang state of emergency sa Maguindanao province matapos ang pagmasaker sa 57 katao kabilang na ang 32 journalists noong Nobyembre 2009.

Ang katwiran ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Sec. Ramon “Ricky” Carandang ay may nakuhang feedback ang Pangulong Benigno Aquino III mula sa isinagawang konsultasyon sa ilang concerned Local Government Units na mas gusto ng mga itong  manatili ang state of emergency sa kanilang lugar.

“Based on consultations with concerned LGUs in Maguindanao, mukhang mas gusto nilang mapanatili ang state of emergency sa ngayon because there are still some armed groups roaming around, the situation is not completely  under control,” anito.

Matatandaang nagpalabas si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo ng Proclamation No. 1946 na naglalagay sa Maguindanao, Sultan Kudarat provinces at Cotabato City  sa ilalim ng state of emergency, isang araw matapos ang karumal-dumal na Maguindanao massacre.

Ang proklamasyon na nananatiling epektibo hanggang ngayon ay naglalayong “iwasan at pigilan ang  mga hindi inaasahang insidente  sa mga darating na araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply