Storm signal 1 sa Metro Manila, 6 pang lugar

MAKARAANG maging ganap na bagyo ang low pressura area (LPA) na nasa kanlurang bahagi ng Luzon, ay ikinasa naman ng state weather forecaster ang Storm signal number 1 sa Metro Manila at sa anim pang ibang lugar.

Pinangalanan ito ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na bagyong  “Dodong,” sinabing mananatili sa teritoryo ng Pilipinas hanggang sa Sabado o Linggo.

“Expected na natin na maulan ngayong araw hanggang gabi, then gradually mag-i-improve ang weather late tomorrow,” pahayag ni PAGASA weather forecaster Robert Sawi.

Aniya, may dala ang bagyong Dodong ng may lakas na hangin na aabot pa lamang sa 55 kph malapit sa sentro. Kumikilos ito ng pa hilaga-hilaga-kanluran sa bilis na 15 kph.

Maliban sa Metro Manila, nasa ilalim din ng Storm Signal No. 1 ang  Bataan, Pampanga, Tarlac, Zambales, Pangasinan, at Cavite.

Dahil dito, makararanas ang Luzon ng maulan na panahon. Inaasahan namang uulanin din ang western areas tulad ng Bataan, Zambales, Tarlac at Pangasinan.”

Nang tanungin naman kung kailna ito aalis ng teritoryo ng Pilipinas, sinabi ni Sawi na
“Matatagalan pa, in the next two days sa loob ng Philippine area of responsibility pa ito.”

Kahit halos naman kasisimula pa lamang ng pagbubukas ng klase, sinuspinden na agad kahapon ng umaga Department of Education-National Capital Region ang klase sa preschool, elementary at high school levels sanhi ng patuloy na pagbuhos ng ulan na nagsimula pa noong nakaraang Miyerkules.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply