Storm warning nakataas na sa China

NAGHAHANDA na ang bansang China sa paparating na bagyong Falcon sa naturang bansa kung saan nakataas na ang storm warning sa Shanghai at apat pang lalawigan.

Nabatid na nakataas ang storm warning sa lalawigan ng China na kinabibilangan ng Jiangsu, Zhejiang, Fujian at Shandong .Inatasan ng Civil Affairs Ministry ang naturang mga lugar na masusing imonitor ang bagyo.

Binuksan na rin ng China ang mga storage depots nito para maghanda sa relief operation.

Inaasahan ng China at Taiwan ang baha na idudulot ng bagyong Falcon gaya ng nangyari nang manalasa ito sa Pilipinas.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply