Stradcom pinasisiyasat ng LTO chief

IGINIIT ngayon ng Stradcom na dapat maimbestigahan si Land Transportation Office (LTO) chief Virginia Torres kaugnay ng illegal takeover sa kanilang tanggapan noong Disyembre 9, 2010.

Ayon sa tagapagsalita ng Stradcom na si Margaux Salcedo, ito ang dahilan kung bakit muli nilang sinampahan ng kasong graft and corruption si Torres sa tanggapan ng Ombudsman.

Binigyang-diin ni Salcedo na maging ang Department of Transportation and Communications (DOTC) ay tali ang kamay upang mapaimbestigahan si Torres dahil ito aniya ay appointee ng Pangulong benign Aquino III.

Kampante si Torres sa pagpasok ni dating Sen. Manuel “Mar” Roxas sa DOTC bilang kalihim nito dahil kaalyado rin ito ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ipinagmalaki pa umano ni Torres na magiging maayos ang kanilang working condition ni incoming Transportation Secretary Roxas dahil maayos naman daw silang magtrabaho.

Ang LTO ay isa sa mga attached agencies ng DOTC. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply