PNoy sinupalpal ng Stradcom

SINUPALPAL ng Stradcom ang naging pahayag ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na malaki ang kinikita ng kumpanya na umaabot sa P1.3 bilyon.

Ayon kay Stradcom spokesperson Margaux Salcedo, maling-mali ang mga impormasyong ibinibigay ni Land Transportation Office (LTO) chief Virginia Torres sa Pangulo.

Nilinaw ni Salcedo na ang tinukoy na halaga ay ang kabuuang halaga ng operating and maintenance expenses ng Stradcom at hindi kita nito.

Dagdag pa ni Salcedo, tinatayang aabot sa P75 milyon ang ginagastos ng kanilang kumpanya kada buwan.

Ipinaliwang pa ni Salcedo na hindi isang “MS Excel” file lamang ang ginagamit ng Stradcom, na ayon dito’y lubos na kumplikado sa nasabing software system.

Ayon pa kay Salcedo, aabot sa 300,000 files ang nadadagdag ng Stradcom sa LTO  bawat taon kaya “techinically impossible” na Excel file lamang ang documentasyon ng kumpanya.

Paglilinaw nito, Stradcom ang nagbabayad ng enerhiya na ginagamit ng Central Office at walang share dito ang LTO.

Lahat din aniya ng satellite offices kahit sa probinsya mula Aparri hanggang Jolo, ay sinasagot na ng Stradcom, kabilang ang enerhiyang ginagamit ng mga ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply