Diskuwento sa singil sa kuryente, pinalawig pa

HINDI dapat kabahan ang mga mahihirap na pamilyang mayroong maliit na konsumo ng kuryente dahil pinalawig ng Kongreso sa pamamagitan ni Sen. Teofisto Guingona III ang diskuwento na tinaguriang lifeline rate discount.

Ayon kay Guingona, hindi na magkakaroon ng bicameral conference committee sa Senate Bill. No. 2846 dahil ito mismo ang ginamit ng Mababang Kapulungan na kanilang inaprubahan kaagad nitong Lunes, Hunyo 6.

“Kailangan nang maipasa ang Lifeline bill dahil mapapaso ang batas sa June 26, 2011 kaya hindi na magkakaroon ng bicam dahil pinagtibay at ginamit ng House ang version mismo ng Senado,” paliwanag ni Guingona.

Sinabi ni Guingona na bahagi ng naturang batas sa ilang programa ng Kongreso upang matulungan ang mahihirap na nabibigatan sa pagbabayad ng kuryente.

“The lifeline rate is for users who cannot afford to pay at full cost, especially when the cost of electricity spirals out of control,When the price of electricity increases, it is the poor who are immediately and adversely affected,” giit ni Guingona

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, tutukuyin ng Energy Regulatory Commission (ERC) kung sino ang mga dapat na makinabang nito.

”For MERALCO users, the lifeline rate has a graduated coverage: Customers with an average monthly consumption of 1-20 kWh are free of charge; Customers with an average monthly consumption of 21 to 50 kWh are getting 50% discount; Customers with an average monthly consumption of 51-70 kWh are getting 35% discount; and Customers with an average monthly consumption of 71 to 100 kWh are getting 20% discount.:” nakasaad sa alituntunin ng ERC.

Kasalukuyang inaayos ng secretariat ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang clean copy ng panukala upang malagdaan nina Senate President Juan Ponce Enrile at House Speaker Feliciano Belmonte.

Sakaling malagdaan na ito nila Enrile at Belmonte ay nakatakda nang ipadala ito sa Office of the President.

“Maybe this week, maaari nang ipadala kay Pangulong Aquino para malagdaan,” ayon kay Guingona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply