Suhulan sa ARMM bill itinanggi ni PNoy

DUMEPENSA ang Malacañang na hindi polisiya ng Aquino administration ang manuhol para maipasa ang isinusulong na batas.

Magugunitang lumutang ang alegasyong pinangakuan ng karagdagang P100 million sa kanilang pork barrel ang mga mambabatas na boboto pabor sa panukalang batas para sa pagpapaliban ng halalan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na wala silang nalalaman hinggil sa kumakalat na intriga at paninira lamang iyon ng mga kalaban sa pulitika.

Naniniwala ang Palasyo na bomoto ang 13 mambabatas dahil kumbinsido sila sa hangarin ng panukalang batas at hindi dahil sa financial consideration.

Samantala, bagama’t wala na sa inaprubahang panukala, isusulong pa rin umano ng Palasyo na hindi na tatakbo sa 2013 elections ang mga itatalagang OIC.

Magkakaroon umano ng covenant para sa mga mapipiling caretakers at titiyaking hindi sila magpapayaman at magpapalakas ng political clout habang nakaupo sa posisyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply