Sulit pinakakasuhan sa tax credit scam

GUSTO rin ni Sen. Antonio Trillanes IV na kalkalin at kasuhan ng Palasyo ang partisipasyon ni Special Prosecutor Wendel Barrera-Sulit sa pagkakabinbin ng multi-milyong kaso ng tax credit scam laban sa mag-asawang Faustibno at Gloria Chingkoe.

Ayon kay Trillanes, may ilang testigo ang nakahandang maghain ng testimonya at ebidensiya upang patunayan na inupuan at ipinagwalang-bahala ni Sulit ang kaso kaya nakatakas ang mag-asawa bago pa man makasuhan ng plunder noong 2009.

“They have complained against what they claim to be the official negligence if not the criminal connivance of Sulit when her office allowed and/or failed to act to prevent the Chingkoe spouses from traveling abroad despite the filing of plunder charges against them in 2009,” ayon ka Trillanes.

Aniya, kanyang nirebeisa ang paghahabol ng mga complainant at nakumbinsi siyang na maraming dapat ipaliwanag si Sulit kabilang ang mga kasabwat nito sa Office of the Ombudsman.

Mahalaga pa rito, ayon sa senador, nabigo si Sulit na kumilos upang maparusahan ang mag-asawang Chingkoe.

Nabigo rin umano si Sulit na ipagbigay-alam sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagtakas ng mag-asawang Chingkoe na dapat nakansela ang pasaporte upang mapilitan silang bumalik sa bansa.

“The said Office could have caused the accused to be reported to the Interpol as fugitives from justice.  The OSP could have also initiated the extradition of the said accused.  Apparently, no such efforts have been made,” giit niya.

“I am greatly disturbed and gravely concerned by this apparent pattern of action of the OSP of going easy on the accused in multi-million and multi-billion cases. It sends the wrong signal that those who steal in the millions or billions could get away with their crimes and even get to keep the money they stole to boot,” dagdag pa ng senador.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply