Sungkaang daan ng DPWH

NAGMAMAHAL ang mga gulay at isda.

…At bigas din.

Ito ang mga ibinabalita ng ating mga Suki.

Sabi nila, isang dahilan ang  masamang mga daan patungo sa mga tindahan.

Mabagal ang deliberi at malaki ang gastos  dahil sa mga sirang tulay, masahol pa sa sungkaan na kalsada at nababahang daanan, ayon sa mga fish at vegetable vendor.

Marami rin umanong nabaha at nasirang gulay at marami ring fishpond ang umapaw at nawalan ng laman.

Kakaunti rin ang huli mula sa dagat dahil sa masamang panahon.

Lo op suplay en deman, Suki, ang umiiral. Pag kokonti ang gulay at isda sa palengke, mahal. Pag sobra ang mga ito, mura.

oOo

Ang bigas naman, eh, nirarambol ang presyo kahit nabibili ang mga ito sa National Food Authority.

Sa mga palengke, tayo mismo ang nakasaksi ng paglilipat-lipat lang ng tindero ng mga karatula na doon nakatatak ang ngalan ng bigas at presyo nito.

Pero hagip pa rin ang bigas ng masamang kalsada at tulay na dahilan ng pagmamahal nito para makabawi ang mga rice trader.

Waepek ang sinasabi ng mga Agriculture Department na ang daming ani ngayon.

oOo

Pero lahat ng usapang ito ay sa pagitan lang ng lahi ni Juan.

Ano naman ang masasabi ng mga taga Department of Trade and Industry at taga-Agriculture?

Lalo na ang Department of Public Works and Highways. Perhuwisyo talaga ang mga sira-sirang kalsada na gawa ng mga korap.

Eh ang mahal na disel at gasolina sa pagdedeliber ng mga bilihin, paano hinaharap ng Department of Energy?

PNoy, nababaling sa iyo ang lahat ng problemang ito.

Paano mo lulutasin ang mga ito, huh?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply