Sunog sa Maynila: 10 pamilya nawalan ng tirahan

SAMPUNG pamilya ang nawalan ng tirahan nang magkasunog sa Sta. Cruz, Maynila, kanina, Martes.

Ayon sa report ng dzBB, wala namang napaulat na nasugatan sa naturang sunog sa kanto ng Oroquieta St. at Rizal Ave.

Nabatid na nagsimula ang sunog bandang ala-una ng madaling araw. Umabot sa ikatlong alarma ang nasabing sunog bago ito naapula makalipas ang dalawang oras.

Ayon pa sa ulat, sinikap ng mga bumbero na maapula ang apoy upang hindi ito umabot sa sa Doroteo Jose station ng Light Rail Transit (LRT).

Kasalukuyan pa ring inaalam ng mga imbestigador ang pinagmulan ng sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply