Superman ba si Pangulong Noynoy?

NANOOD ako ng newscast kamakalawa nang gabi at natawag ang pansin ko sa balita hinggil sa ginawang pagdalaw ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga lugar na sinasalanta nang mga pagbaha sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) sanhi ng pag-apaw ng Rio Grande.

At napansin ko na sa halip na makatulong kay Pangulong Noynoy ang ginawa niyang personal na pagpapakita ng concern sa mga biktima ay tila naging dahilan pa ito para batikusin siya nang kanyang mga kritiko.

Sa halip kasi na ma- highlight ang kahalagahan ng pagdalaw doon ni Pangulong Noynoy ay mas pinili nang mga reporters at maging ng mga news anchors na ibalita ang pagka-dismaya umano nang mga local officials sa kanya.

Ang dahilan? Wala daw ibinigay na solusyon si Noynoy sa problema nang pagbaha sa kanilang lugar.

Bagamat naiintindihan ko ang damdamin ng mga local officials at ang hangarin nila na malutas agad ang kanilang problema ay mukhang mali naman yata na hanapan agad siya ng resulta nang mga tao doon.

Ang alam ko ay nagpunta siya doon upang personal na makita at ma-assess ang problema at sa ganoon ay malaman din niya kung ano ang mga dapat niyang gawin.

Ang tingin yata nila kay Pangulong Noynoy ay si Superman o di kaya ay isang Diyos kung kaya’t akala nila ay kaya niyang pahintuin ang pagbaha sa isang iglap.

Sa totoo lang ay dapat ngang maimbestigahan ang mga dati nang opisyal diyan sa ARMM dahil lumalabas na may dati nang nakalaang pondo noon pa para mabigyang solusyon ang lagi na lang pagbaha sa nasabing rehiyon.

Pinag-uusapan na din lang ang pera, malamang sa hindi ay iyon ang inaasahan ng mga local officials doon na ibibigay ni Noynoy sa kanila.

Kung cash nga naman ang ibinigay niya sa opisyales na ito ay tiyak  na happy na naman sila pero ang problema ay hindi na naman magagamit ang perang iyon para lutasin ang pagbaha sa lugar nila.

Napakatagal nang panahon ang problema nang pagbaha dulot ng Rio Grande pero bakit mas isinisisi yata nila ito kay Pangulong Noynoy?

Siguro ay dapat tingnan muna nang mga local officials na ito ang kanilang sarili at tingnan kung ano na ang ginawa nila para mapaunlad ang buhay ng mga nasasakupan nila bago nila sisihin ang ibang tao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply