Suporta ni Pacquiao sa P125 dagdag-sahod tanggap ng Anakpawis

IKINATUWA ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano ang pagsuporta ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa P125 dagdag-sahod para sa mga manggagawa.

Ayon kay Rep. Mariano, malaki ang magagawa ni Pacquiao upang mapabilis ang pagpapasa sa House Bill 375 o An Act Providing for P125 Daily Across-the-Board Wage Increase for Workers in the Private Sector.

“Rep. Pacquiao’s support to HB 375 will be a big boost to the workers’ national fight and campaign for a substantial wage increase. We need more legislators to support important measures that will directly benefit majority of the Filipinos,” ani Mariano.

Sinabi ng kongresista na malaking bagay ang karagdagang sahod na ito upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga manggagawang Filipino na ngayon ay bumabalikat sa sunud-sunod na pagtataas sa presyo ng langis, pamasahe, presyo ng pagkain at iba’t iba pang serbisyo.

Kasabay nito ay iginiit ni Mariano na panahon na upang buwagin at ibasura ang regional tripartite wages and productivity boards dahil sa kawalan ng kunsiderasyon na mabigyan ng maayos na sahod ang mga manggagawa.

Personal na nagtungo pa si Pacquiao tanggapan ng Anakpawis sa Quezon City upang ipakita ang kaniyang suporta sa naturang panukala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply