Surprise inspection ni PNoy sa NBP kinansela

KINANSELA ng Malakanyang ang sana ay “surprise inspection” ni Pangulong Benigno Aquino III sa New Bilibid Prisons (NBP) makaraang magkaroon ng “leak” sa nasabing plano.

Nauna nang sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima na masama ang pakiramdam ng Pangulong Aquino simula pa kagabi kaya hindi na itinuloy ang pagbisita.

Subalit, sinabi naman ng isang opisyal ng Malakanyang na “all-set” na ang Pangulong Aquino at nasa maayos na kondisyon.

Ayon sa opisyal, maaga rin sila sa NBP para salubungin ang Pangulo pero nagulat sila dahil nakapuwesto at nauna pa sa kanila ang mamamahayag mula sa DoJ beat.

Nabatid na galing ang leak sa DoJ dahil mahigpit umano ang direktiba sa Palasyo na walang maglalabas ng impormasyon sa Malacañang Press Corps (MPC).

Makaraang  mawala ang “element of surprise” ay nagdesisyon ang Chief Executive  na huwag nang ituloy ang inspeksyon dahil lalabas na moro-moro na lang.

Bukod  sana sa inspeksyon sa NBP sa Muntinlupa City, may scheduled interview rin ang Pangulo sa Associated Press (AP).

“Nagulat nga kami, kami ang nasorpresa, nauna pa ang Justice reporters,” ang pahayag ng isang source sa Malakanyang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply