Surveillance ops isasagawa ng U.S. Navy

NABATID na sisimulan bukas ng combined navy units mula sa mga bansa sa Southeast Asia ang apat na araw na Field Training Exercise (FTX), bilang bahagi pa rin ng pagpapaiigting ng maritime cooperation sa rehiyon.

Sa pahayag ni Southeast Asia Cooperation and Training (SEACAT 2011) Director for the Philippine Navy (PN), Capt. Franco Sebastian Pan, gagawin ang nabanggit na aktibidad sa buong Southeast Asia maritime domain, partikular sa “strategic points” ng sea lanes.

Inaasahan umano sa nasabing ensayo ang pagpasok ng USS Safeguard ng United States Navy sa area of responsibility ng Pilipinas, para magsagawa ng “coordinated surveillance operations, tracking at board and seizure.”

Sa panig ng Philippine Navy, kabilang sa mga lalahukang aktibidad ay ang “maritime surveillance, tracking, interdiction and boarding and searching operations.”

Kamakailan lamang ay sinimulan na ng participating navies mula sa Pilipinas, Brunei, Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore at Amerika ang taunang SEACAT combined exercise sa bahagi ng Malacca Strait, Sulu Sea at Celebes Sea.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply