Survivor sa Cebu massacre lilikidahin

PLANONG likidahin ng mga hinihinalang miyembro ng kilabot na “Kuratong Baleleng Gang” upang mapatahimik ang lone survivor sa naganap na Cebu massacre, ikinamatay ng tatlong mag-anak at ikinasugat ng tatlong iba pa sa Lapu-Lapu City.

Ayon sa Cebu PNP, may pagtatangkang patahimikin ng umano’y mga miyembro ng Kuratong Baleleng Gang ang survivor ng naunang masaker sa Sitio Judas, Barangay Babag II, sa lungsod ng Lapu-lapu.

Ayon sa report ni PO2 Carlos Barluado ng Lapu-lapu Police Office, pinasok umano ang kuwarto ng survivor na si Ryan Beronguis na una nang nakilala sa pangalang Ric-Ric Lariño at kasalukuyang naka-confine sa kanyang Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Nabatid na nagdagdag ng seguridad ang mga pulis at maging ang pamunuan ng nasabing pagamutan kasunod ng intelligence report na nakalap ng Cebu PNP hinggil sa bantang planong tuluyang pagpapatahimik sa biktima.

Positibo namang kinilala ng biktima sa hanay ng mga larawan ang isang babae na miyembro ng Kuratong Baleleng group na kanyang namataang umaaligid sa kanyang silid.

Magugunitang nakaligtas si Ryan mula sa apat na tama ng bala sa nasabing masaker, kung saan ay napatay ang dating miyembro ng grupo na si Bruno Villanueva alyas “Tambok,” misis na si Edna Lariño at 3 tatlong taong gulang na anak na si Fernando Canillo II.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply