Suspek sa nakawan natagpuang patay

BANGKAY na ng matagpuan ang 21-anyos na helper na kasama sa mga iniimbesgtigahan ng pulisya dahil sa kasong pagnanakaw sa bahay ng presidente ng Maynilad.

Tinangka pang isalba ng kasamahan ng biktima si Felix Nabat subalit wala na itong buhay nang matagpuan ganap na alas-3:00 ng hapon.

Si Nabat ay stay in bilang houseboy sa among si Victorico Vargas ng Ayala Heights Subdivision sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Si Vargas na presidente at CEO ng Maynilad Water Services Inc.  ay natangayan ng P15 million halaga ng pera at mamahaling gamit ng mga magnanakaw na pumasok sa kanilang bahay habang siya at ang pamilya ay wala sa kanilang bahay.

Ang pagnanakaw ay nadiskubre nang makabalik na ang pamilya Vargas ng gabi ng May 22. Ang mga nawawalang gamit ay nakasilid sa isang vault na puwersahang binuksan habang nasa master bedroom na ninakawan din.

Nakunan na ng pahayag ng mga imbestigador ang tatlong helper ng pamilya, kasama si Nabat na dapat ay isasailalim sa isang lie-detector test.

Ganap na alas-3:00 ng hapon, nagpunta si Gregorio Alo sa tinuluyan ni Nabat para tawagan ito pero natagpuan na lang niya itong nakahiga sa kanyang kama.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO) team narekober sa lugar ang isang baso at dalawang botelya ng hindi matukoy na uri ng likido.

Mayroon din botelya ng soda na naglalaman ng tubig at botelya ng isang pestesidyo na nakalagay sa cabinet.

Nananatiling blangko parin ang pulisya kung anong uri ng kemikal ang tinungga ni Nabat. Wala namang nakitang sugat sa kanyang katawan.

Nakuha ng mga awtoridad ang isang suicide note malapit kay Nabat pero hindi naman tiyak kung galing ito sa kanya o sulat kamay niya ito. James de Jesus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply