Suspek sa pagpatay sa mag-tiyahin, timbog

NASAKOTE na ng awtoridad ang isang pangunahing suspek  sa pagpatay sa mag-tiyahin na inilagay ang mga bangkay sa loob ng isang freezer sa San Pablo City, Laguna.

Ayon sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nasakote ang suspek na kinilalang si Bayani Pagaduan Corpuz, driver ng pamilya, bandang alas-9:45 Miyerkules ng gabi, Hunyo 29, sa Centro Uno, San Mateo, bayan ng Isabela.

Agad din dinala sa IPPO sa bayan ng Ilagan si Corpuz para sa technical investigation.

Matatandaan na ang magtiyahin na sina Vilma Bandilao, 23 at Leticia Lupian na nilagay sa loob ng isang freezer matapos patayin sa San Pablo City, Laguna.

Ang mga biktima na kapwa tubong Bohol ay nadiskubre dakong alas-6:52 ng gabi noong Hunyo 22 sa kanilang bahay sa Mariflor Subdivision, Barangay Del Remedio, San Pablo City.

Batay sa inisyal na report, naghinala na ang tagapangalaga ng bahay dahil apat na araw nang hindi lumalabas ng bahay ang magtiyahin.

“Naghinala na yung caretaker dahil mula pa noong June 19, (Linggo) apat na araw na hindi lumalabas yung dalawa kahit naiwang nakabukas ang kanilang radyo,” batay sa pahayag ni Supt, Cruz.

Humingi na ng tulong ang tagapangalaga sa mga opisyal ng barangay at pulis na pumasok sa loob ng tahanan at natuklasan ang mga bangkay ng biktima na nasa loob na ng freezer.

Ang pagkakadiskubre sa bangkay ng mga biktima ay kasabay ng pagkakawala ng kanilang driver na kinilalang si Ben Fajardo Corpuz, pati na ang Toyota Lucida Van na posibleng ginamit sa pagtakas nito.

Posibleng pagnanakaw ang motibo sa naturang pamamaslang dahil nawawala ang perang nagkakahalaga ng P50,000 sa bahay ng mga biktima.

Samantala, nakatakda namang isagawa ngayong umaga ang isang press conference na pangungunahan ni Isabela Police S/Supt. Jimmy Rivera at ihaharap ang suspek sa media sa nasabing lungsod. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply