Swimming org lugmok sa anomalya

NASA balag ng alanganin ngayon ang Philippine Aquatic Sports Association (PASA), ang national sports association para sa swimming ng bansa matapos magsampa ng kasong graft/corruption at money laundering si dating senador Nikki Coseteng laban sa dating chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Edward King, Butch Francisco, Valentine Custodio, Philip G. Lo, Ester Hernandez at pangulo ng PASA sa Ombudsman, Martes ng umaga.

Si Coseteng, tagasuporta ng isports sa bansa, kasama ang pangulo ng Philippine Swimming League (PSL) na si Susan Papa, Olympian na si Jairulla Jaitulla, mga coach, opisyales at miyembro ng Philippine Aquatic Sports Coaches Association, Inc. (PASCAI) ang nagsampa ng kaso laban kay PAGCOR chair Efraim Genuino at PASA President Mark Joseph dahil sa pagkawala ng P30 milyon na dapat ay para sa mga national athletes.

Si Genuino, na inilagay sa pwesto ni dating pangulong Arroyo, ang PAGCOR chair nang magbogay ito ng direct financial assistancena P30 milyon para sa four-year programng PASA para sa 2012 London Olympics. Nakasaad sa Section 26 ng R.A. 6847 na kailangang magremit ng PAGCOR ng limang (5%) porsiyento ng kita nito direkta sa Philippine Sports Commission (PSC) upang pondohan ang national sportsdevelopment program.

Subalit, ang donasyon sa PASA noong 2009 ay hindi dumaan sa PSC at ibinigay mismo kay Joseph. Nawawala ang pera at hindi nai-account ng maayos, gaya ng mga pondo ng PASA mula 2004 hanggang sa kasalukuyan na hindi naiaayos sa tamang awtoridad tulad ng PSC, Commission on Audit (COA), at Securities and Exchange Commission (SEC).

Ang dating PSC chair na si Ramirez ang nag-apruba ng directrelease ng pondo mula PAGCOR papunta sa PASA na abnormal at iregular.

Napag-alamang ang training center na ginagamit ng PASA ay ang TRACE Aquatic Center ng TRACE College Inc. sa Laguna na itinayo ni Genuino. Si Genuino at ang kanyang asawa’t mga anak ay may direct financial interest sa pasilidad. Bilang chair noong terminong iyon, si Genuino ay may administrative control sa mga pondong inilalabas mula sa PAGCOR.

Kinumpirma naman ng abugado ni Coseteng na si Atty. Harry Roque na hinihingi ni Genuino sa PAGCOR ang kanyang retirement benefits noong nakaraang linggo, bago madawit ang kanyang pangalan sa mga problema ng swimming community.

Samantala, bago isampa ang kaso, pinalitan ni Joseph ang pangalan ng PASA at ginawang Philippine Swimming, Inc. Lubog sa kontrobersiya ang PASA na inimbestigahan ng House Committee on Sports noong Marso matapos isiwalat ni Coseteng ang mga anomaly sa asosasyon, particular na ang pangulo nito. Inakusahan ng dating senador si Joseph ng koraspyon, favoritism, diskriminasyon at iron rule. Nagmalasakit ang dating senador sa mga manlalangoy ng bansa matapos malaman na walang nakuhang anumang medalya ang Philippine Team mula 1986 hanggang 1994 at 2002 hanggang 2010. Dalawang medalya lamang ang nasungkit ng bansa sa 24 taon nitong pagsali sa Asian Games. Ang dalawang medalyang ito ay nakuha ni Ryan Papa noong 1998. Ani Coseteng, dahil ito sa hindi mahusay na training dahil ang mga trainers ay second-class US coaches.

Hiningi ni Coseteng kay Pangulong Noynoy Aquino na makialam na sa problema ng swimming community. Si PNoy ay pamangkin ng pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) na si Peping Cojuangco, na umano’y nasa panig ni Joseph at hindi inaaksyunan ang mga isyu.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply