Unibersidad sa Cebu nasunog

NASUNOG ang Southwestern University (SWU) sa Cebu City Biyernes ng madaling araw.

Partikular na na-damage ng sunog ang mga departamento ng engineering at nursing.

Nabatid na bandang alas-tres ng madaling araw nang masunog ang naturang unibersidad, kung saan kasamang natupok ng apoy ang laboratory section ng SWU.

Bukod dito ay nadamay din ang may 20 kalapit na kabahayan sa nasabing lugar.

Base sa pahayag ni Cebu City Fire Marshall Col. Anderson Comar, nagsimula ang sunog sa Villa Ramari at Gacasan compound at agad na kumalat ang apoy sa naturang unibersidad.

Umabot sa general alarm ang sunog at tuluyang nakontrol sa loob ng 35 minuto.

Base sa kalkulasyon ng awtoridad, umaabot sa P2.1 million ang iniwang pinsala ng sunog kasama na ang ilang residential houses.

 

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply