Tag-ulan: May grasya at may disgrasya

TAG-ULAN na ba talaga?

Ito ang tinatanong ko sa sarili ko habang may buhos o pagpatak ng ulan sa maraming lugar na aking napupuntahan ngayon.

Siguro nga. Sa Kamindanoan kasi, panay ang ulat ng ating mga kasamahan na napakaraming lugar ang binabaha dahil sa mga pagbuhos ng ulan.

Sa Kabisayaan at Luzon naman, mayroon ding mga pag-ulan pero wala pang mga pagbaha. Sa Metro Manila, okey naman nang kaunti dahil madaling lumalim ang mga baha pero mabilis ding nawawala.

Pero ano ba talaga ang pagtingin ng Philippine Atmospheric, Geological and Astronomical Services Administration ukol sa panahon?

oOo

Pero may higit na mahahalagang bagay ang bumubuliglig sa ating isipan kaugnay ng panahon.

Halimbawa, paano kaya ang mga mag-aaral, lalo na ang mga nasa Prep, Kinder at Elementary?
Napakababata at napakaliliit kasi ang nakararami sa mga ito at madali silang tamaan at walang kalaban-laban sa mga disgrasya sa tag-ulan.

Mayroon na bang mga pag-aaral na ibinibigay ng mga teacher sa mga bata ukol sa mga masasamang epekto ng masamang pa-nahon o tag-ulan?

Ano-ano naman ang mga paghahanda at pagtulong ng iba’t ibang sangay ng gobyerno upang protektahan ang mga bata sa mga disgrasya kung tag-ulan?

Nagtatanong tayo, mga Bro, dahil nasa isipan natin ang naganap sa Brgy. Ginsaugon, St. Bernard, Leyte. Naging sementeryo ng mga bata ang school na dinaluhong ng landslide noon makaraan ang siyam-siyam na ulan sa lugar.

Ang mga bata rin ang higit na nalulunod sa mga baha at natatabunan ng mga landslide sa iba pang lugar sa bansa.

Ang mga bata rin ang na-sasagasaan sa mga lansangan dahil sa karaniwang wala silang muwang sa mga patakaran sa paglalakad at pagtawid ng mga kalsada.

oOo

Siyempre pa, may grasya rin sa tag-ulan.

Naririyan ang mga pag-aararo, pagtatanim at pag-aani sa pagkain. Nahuhugasan din ang kapaligiran mula sa katakot-takot na polusyon sa hangin at lupa.

Mayroon din bang pagpapahalaga sa tag-ulan na isinisilid sa isipan ng mga bata?

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply