Taiwan, may bagong banta vs Pilipinas

MULI nanamang nagbanta ang pamahalaang Taiwan na magpapatupad ito ng sanction measures laban sa Pilipinas.

Ang panibagong pag-alarma ng Taiwan ay kaugnay sa ginawang desisyon sa legalidad sa pagpapatapon ng Bureau ng Immigration (BI) sa 14 Taiwanese nationals sa mainland China.

Samantala, wala umanong kaugnayan sa posisyon ng gobyerno ng Pilipinas ang naging desisyon kamakailan ng Court of Appeals (CA) sa kaso ng 14 na mga Taiwanese deportees.

Ginawa ni Manila Economic and Cultural Office (Meco) chairman, Amadeo Perez Jr. ang pahayag sa harap ng panibagong banta ng Taiwan.

Sa naturang desisyon, kinatigan ng appellate court ang legalidad ng ginawang pag-deport noong nakaraang taon, na nagdulot ng diplomatic crisis sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas.

Ngunit sa pahayag ni Perez, ipinaliwanag nito na ang deportation case ay walang kaugnayan sa anumang “political considerations.”

Idinagdag nito na ang pahayag sa CA decision hinggil sa “One China Policy” ay personal na judgment umano ng korte at walang kaugnayan sa foreign policy ng Pilipinas.

Sa kainitan ng tensyon, nagbanta pa ang Taiwanese government na magpataw ng economic at labor sanctions laban sa Pilipinas.

Maalala na nagdulot ng sigalot sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas ang ginawang pagpapatapon ng BI sa nabanggit na mga suspek na sinasabing sangkot sa ilang multi-million dollar criminal activities.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply