Takot di makatapos ng pag-aaral, estudyante nagbigti

DAHIL sa pangambang hindi makatapos sa pag-aaral dala ng kahirapan ng kanilang buhay kaya minabuti na lamang ng 20-anyos na estudyante na magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Quezon City, Martes ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Divine hospital ang biktima na si Jayzel Pedrezuela, 20, ng Blk.-4 Pascual St., Brgy. Nagka-isang Nayon, Novaliches Quezon City.

Batay sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District, Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) pasado alas-6:45 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto na nakabitin gamit ang sinturon.

Sinasabing bago ang pagpapakamatay ng biktima ay waring tensiyonado ito sa kanyang pag-aaral sa pangambang hindi makatapos sa unang baytang sa kolehiyo nang sabihan ng magulang na kapos na sila sa pambayad sa tuition fee.

Gayunman patuloy pa ring sinisiyasat ng mga pulis ang kaso at inaalam kung may foul play sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply