Takot sa pag-apaw ng dam pinawi

GANAP nang tropical depression ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa

silangang bahagi ng Visayas na tatawaging “Falcon.”

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration

(PAGASA), namataan ang sentro ni Falcon sa layong 670 kilometro sa Silangan ng

Borongan Eastern Samar, taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometro kada

oras malapit sa gitna at kumikilos papuntang kanluran hilagang kanluran sa bilis na

19 kilometro kada oras.

Wala pang nakataas na babala ng bagyo sa alinmang bahagi ng bansa.

Gayunman, ipinayo ng PAGASA na mag-ingat pa rin ang mga nakatira sa malapit sa ilog

o creek at sa mga paanan ng bundok.

Samantala, Wala pa sa critical level ang mga dam kaya walang dapat ipangamba ang mga naninirahan malapit sa lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply