Talamak na nakawan dahil batugan si tserman

TALAMAK daw ang nakawan sa gabi sa Mas Vell, Sucat, Parañaque dahil ni isang uhuging tanod ay walang nakikitang nagroronda sa nasabing lugar.

Kaya naman daw tinitiyempuhan ng mga magnanakaw ang nasabing lugar sa kanilang  pagnanakaw.

May mga tambay raw pero walang ginagawa kundi ang mag-ingay ng magdamag mismo sa gitna ng kalye sa videokehan.

Hindi naiisip ng mga ito na bukod sa wala na silang pakinabang sa kanilang barangay ay nagsisilbi pa silang mga perwisyo.

Nakapagtataka kung bakit maging si Tserman Jeremy  ay hindi kumikilos kahit na alam nito ang nakawan sa barangay niya.

Hoy Tserman, ano bang klaseng tserman ka?

Anak ng tipaklong ka, bakit ka pa naging tserman kung magpapabandying-bandying ka lang?

Basahin mo tserman ang  reklamo ng inyong kabarangay.

Gud am, Sir Johnny. Paki-surveillance ninyo naman dito sa Mas Vell, Sucat, Parañaque, talamak ang nakawan dito. Pag gabi kasi, ni isang tanod ay walang nagroronda sa mga kalye kaya nakatitiyempo ang magnanakaw.

Atsaka yung mga tambay,  magdamag nga sa kalye pero wala namang ginagawa kundi ang mag-ingay sa kalye dahil sa pagbi-videoke.  Kawawa yung mga may trabaho kinabuksan, hindi makatulog nang maayos kasi naiistorbo sa pagtulog.

Dapat pairalin ang curfew sa nga tambay para mawala ang lahat ng masasamang gawain.

PNP PADER NG VK SA CABANATUAN

Sa Cabanatuan, Nueva Ecija ay talamak ang ope-rasyon ng mga video-karera (VK).

Hindi man lamang kumikilos ang pulisya ng nasabing bayan.

Isang Emboy Ruiz na dating pulis ang tumata-yong lider ng mga operator.

Naka-umbrella ang lahat ng mga operator kay Ruiz.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply