Talamak na panghuhuli ng mga tuko ikinabahala

KINALAMPAG ng mga kongresista ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa malawakang panghuhuli ng “tuko” na anila’y posibleng magdulot ng masama sa kapaligiran sa sandaling maubos ang mga ito.

Ibinabala ni Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento na sa sandaling maubos ang Gecko o Tuko ay maaaring magdulot ito ng “irreversible effect” sa kapaligiran dahil ito ang kumakain sa mga insekto tulad ng langaw at lamok.

Naalarma ang mga kongresista sa bumabahang advertisement sa internet maging sa mga magazines  na bumibili at nagbebenta ng tuko at karamihan umano sa mga ito ay nagpapakilang mga ahente ng World Health Organization (WHO).

Ang tuko ay maituturing na rin na butiki na kabilang sa pamilya Gekkonidae na matatagpuan lamang sa bansang mayroong warm climates tulad ng Pilipinas.

Ang nasabing hayop umano ay may kakayahan na magpagaling ng cancer kaya binibili ito ng mga pharmaceutical companies na nagde-develop ng gamot para sa cancer at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa alok na P3 milyon para sa isang buhay na tuko na tumitimbang ng 400 gramo pataas.

Giit naman ni Ang Kasangga Partylist Rep. Teodorico Haresco na ang mga tuko ay epektibong panlaban para sa lumalaking populasyon ng mga insekto at ang pagkawala nito ay magiging malaking epekto sa bansa.

Napuna rin ni Haresco na wala kahit isang pharmaceutical firm o sayantipiko at medical research organization ang nagkumpirma ng medicinal values ng tuko.

Maghahain din ang mambabatas ng isang panukala na nagre-reclassify sa mga tuko bilang endangered specie upang maprotektahan ang mga butiki mula sa pagkaubos.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply