Tallest Rizal statue matatagpuan sa Calamba, Laguna

PINASINAYAAN Linggo ng umaga, Hunyo 19, ang pinakamataas na istatwa ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-150 kaarawan sa Calamba, Laguna.

Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang nasabing pagpapasinaya ng pinakamalaking bantayog ni Rizal sa buong mundo na may taas na 6.9 metro. Ito ay nakapatong sa 2.4 metrong pedestal at itinayo sa anim na ektaryang ari-arian ng pamilya ni Rizal.

Ayon sa mga taga-Calamba, doon dapat na itayo ang pinakamataas na bantayog ng Pambansang Bayani dahil doon ito ipinanganak.

Inaasahan na magiging tourist attraction ang nasabing monumento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply