Talumpati ni PNoy patikim ng SONA

MISTULANG patikim na ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ang kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-113 anibersaryo ng Independence Day, Linggo ng umaga kung saan “first time” niya itong pinangunahan bilang Pangulo ng bansa sa Kawit Cavite.

Ayon kay PNoy, hindi laban sa kahirapan ang dapat na pagtuunan ng pansin ng taumbayan ngayon kundi ang labanan ang kasakiman at katiwalian.

Sa kanyang statement, inihayag ng Pangulo na sa loob ng isang dekada, binugbog ang mga Filipino ng paulit-ulit na pangako pero hindi pa rin ganap na nakalalaya ang mga Pilipino.

Sinabi pa ng president na hangga’t hindi nasusugpo ang korupsyon at naaalis ang mga ganid na opisyal ay mananatiling lugmok sa kahirapan ang bansa.

Dito nagsimula nang tila patikimin ni PNoy ng kanyang SONA ang publiko nang isa-isahin ang nagawa ng kanyang administrasyon mula nang maupo sa puwesto noong nakaraang taon.

Una rito ang pagsusulong ng bagong GOCC law para tapusin ang pamamayagpag ng mga ganid sa kickback at naglalakihang bonuses.

Sunod dito ang pagkakapasa ng ARMM election postponement bill na layong palayain ang mga taga-Mindanao mula sa mala-peudal na sistemang panlipunan na pahirapang napalusot sa Kongreso.

Dinagdag pa ang umanoy pinalaking pondo para sa conditional cash transfer (CCT) na sinasabing kinopya lang sa nakalipas na administrasyong Arroyo, pinalawak na housing program at pocket open-skies policy.

Aniya, kung noon pa sana ito ginawa ng nakaraan, malamang nakaahon na tayo sa kahirapan at baka pati sekyu ay mayroon ng pabahay.

Kung noong June 12, 1898, isinigaw ang kalayaan mula sa mga nanakop na dayuhan sa Kawit, Cavite, ngayon daw ay unang isisigaw ang umpisa ng tunay na pagbabago at bagong yugto ng buhay ng mga malayang Pilipino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply