Tanod na ‘di namigay ng balut kritikal sa saksak

KRITIKAL ngayon ang isang barangay tanod matapos pagsasaksakin ng dalawng hindi pa nakikilalang lasing na suspek nang tumanggi ang una na magbigay ng balut sa McArthur Hi-way Brgy Potrero, Malabon City, iniulat Linggo.

Ang biktima na nakaratay at ginagamot sa MCU hospital sanhi ng  dalawang malalim na saksak sa leeg at likuran ay si Julius Jacinto Sarmiento, 38, barangay tanod at residente ng 102 Piñapple road Brgy. Potrero, nasabing lungsod.
Mabilis namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek matapos  maisagawa ang pananaksak.
Ayon sa imbestigasyon ni P03 Edcel  Dela Paz, ng Station Investigation Division ng Malabon police, dakong 4:45 ng madaling araw nitong Sabado nang maganap ang insidente sa tapat ng Primmas Inn , McArthur Hi-way ng nasabing barangay.
Galing sa pagroronda ang nasabing tanod nang makatulog  sa isang lugar malapit sa nasabing motel at biglang dumating naman  ang dalawang lasing na suspek.
Dahil sa ingay ng  mga ito ay nagising ang biktima.
Nagkataon namang may dumaan na naglalako ng   balut kaya inatasan  ang  biktima na bigyan sila ng balut pero nang tumanggi ang tanod, tinarakan siya sa leeg ng mga suspek bago nagsitakas.
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply