Tapsilog, sikat na Pinoy silog

ISA sa pinakasarap na gawin ay ang kumain. Tama hindi ba? Masarap ang kumain lalo na kapag masarap ang pagkain.

Sadyang mahilig mag-food trip ang Pinoy. Bukod sa agahan, tanghalian at hapunan ay mayroon pang meryenda sa hapon o kaya naman ay sa hatinggabi o yung tinatawag na midnight snack.

Ang midnight snack ay talagang parte na ng buhay ng mga Filipino. Yung mga hindi makatulog sa gabi at nakaramdam ng gutom ay tiyak na lalabas pa ng bahay at bibili ng pagkain kahit dis-oras na ng gabi.

Ilan lamang sa mga pagkain na trip kainin tuwing midnight snack ay ang balut at penoy, pandesal at mantikilya, lugaw at tokwa, siopao sa mga convenience store at ang mga Pinoy silogs tulad ng hotsilog (hodog,-sinangag-itlog), isda silog (isda-sinangag-itlog), tocilog (tocino-sinangag-itlog), chixsilog (chicken-sinangag-itlog), hamsilog (ham-sinangag-itlog), porksilog (pork-sinangag-itlog), embusilog (embutido-sinangag-itlog) at ang pinakasikat sa lahat ang tapsilog.

Ang tapsilog ay binubuo ng tapa na maaaring pork o beef, sunny side up na itlog at ang masarap na sinangag na binudburan ng maraming tinustang garlic. Wooowww, talaga namang katakamtakam. Pwede namang kainin ang tapsilog kahit hindi midnight snack. Madalas din ito sa umaga bilang almusal. Mas madalas na almusal ito sa mga tahanan na homemade pa ng mga nanay.

Ang mga tapsihan sa Maynila ay nagkalat. Dumami sila ng dumami. Yung iba may pangalan na talaga habang yung iba naman ay mga maliliit lang na eatery na nag-offer rin ng iba’t ibang Pinoy silogs sa murang halaga. Sa mga ganitong kainan ang mga silogs ay mabibili lang sa P45-65. Dagdagan mo lang ng ng P20 para sa extra rice at softdrinks, ay naku, swak na talaga at pihadong mabubusog ka na.

Panalo ang tapsilog kapag masarap ang tapa, siyempre ito ang bida sa silog na ito.  Bukod sa pagiging sariwa, dapat ito ay malambot at hindi parang goma na mahirap nguyain. Ang susi din sa masarap na lasa nito ay ang pagbabad dito o ang pagma-marinade.

Isa pa bawat tao o nagluluto nito ay may kanya-kanyang timpla o istilo ng pagma-marinade sa tapa. Mayroong binababad ito ng ilag araw sa marinade pagkatpos ay piniprito na, mayroon din namang mina-marinande ito tapos ay ini-air dry ito bago iprito.

Tapa

Paggawa ng homemade tapa

INGREDIENTS:
1/2 tasang  (cup) toyo
1/2 tasang (cup) suka
1/2  kutsaritang asin
1/4 kutsaritag paminta
1 1/2 kutsarang puting asukal
1 kilo ng baka o pork na hiniwa ng limang sentimetro ang kapal
1 1/2 tasang tubig
2 kutsarang mantika

Una, paghaluin ang 1/2 tasang (cup) puting suka , 1/2 tasang  (cup)  toyo, 1/2  kutsaritang asin, 1 1/2 kutsarang puting asukal at 1/4 kutsaritag paminta (ground black pepper). Sumunod ay ihalo na ito sa hiniwang 1 kilo ng baka o baboy. Gamit ang kamay haluin itong mabuti para pantay na malagyan ng sauce ang lahat ng piraso ng karne. Ilagay ito sa malinis at tuyong container at takpan, itago sa ref. Inirerekomenda na hayaan ito ng dalawang araw.

Pagkatapos ng dalawang araw, i-drain itong mabuti. Ilagay sa frying pan mas mainam kung gagamit ng non-stick frying pan. Kung wala naman okay lang din ang ordinaryong kawali. Ilagay na ang 1 1/2 tasang tubig at 2 kutsarang mantika.

Sa mataas na apoy hayaan itong kumulo at kapag kumulo na hinaan ang apoy and let it simmer ng ilang sandali.

Mapapansin mo na mag-eevaporate ang tubig. Kapag ubos na ang tubig ay iprito na ang tapa sa konting manitka hanggang maging tuyo at malutong na ang karne. Ilagay ito sa isang lalagyan at ready na ang tapa.

Sunny side up egg

Iprito ang itlog sa konting mantika at budburan ng konting asin. Pwede rin namang scrambled egg, batiin ang itlog at lagyan ng konting asin. Maghiwa ng maliit na sibuyas, igisa ito. Kapag naging transparent na ang sibuyas ilagay na ang binating itlog. Presto fried egg ka na.

Fried Rice

Para naman sa sinangag, magtusta ng bawang sa konting mantika. Huwag hayaang masunog ito. Kapag namula na ang bawang ay ilagay na ang kaning lamig (na dinurog sa pamamagitan ng kamay). Haluin ito upang maluto lahat. Asinan at haluin maya’t maya upang kumalat ang asin at magkalasa ang buong sinangag.

Maaaring isawsaw ang tapas a ketchup, toyo-mansi o kaya naman ay maanghang na suka.

Isa pa palang way ng paggawa ng tapa ay ang leftover na beef at pork steak. Initin lamang ito sa kawali at hayaang mawala ang sarsa. Pag wala na ang sarsa nito lagyan ng konting-konting mantika at iprito ito.

Hayan pwede mo ng subukan ang paggawa ng sarili mong tapa, sinangag at itlog. Wow namnam!

Hindi naman mahirap kailangan lang na may tiwala ka sa sarili mo kapag magluluto ka.

Kung ayaw mo naming i-risk ang pera mo dahil baka masayag, maaaring bumili ka na lang ng ready to fry tapa. Huwag nga lang palagian dahli ang mga ganitong uri ng produkto ay nagtataglay ng preservatives na masama sa kalusugan kung labis-labis at madalas na kinakain.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply