Tarpaulin building permit ipapatupad sa QC

NAIS ng Quezon City government na ipatupad ang tarpaulin building permit sa lungsod upang ito na mismo ang ilalagay sa mga gusali na itinatayo pa lamang.

Sinabi ni Department of Building Official (DBO) chief Isagani R.Verzosa, Jr. na plano niyang ipatupad ang tarpaulin building permits na may nakalagay na building permit number, date of issuance, project location, project description, signature ang building official at ni QC Mayor Herbert Bautista at contact details ng building official.

Ang tarpaulin building permit ay kailangang naka-display sa labas ng building na ginagawa pa lamang.

Naniniwala si Verzosa na sa pamamagitan ng paggamit ng tarpaulin, ang construction activities na walang permit ay madaliang madedetermina at maiiwasan.

Ang DBO ay nakalikom ng P81,665,332.23 pondo mula sa construction permit fees, final permit fees at inspection fees mula Enero hanggang May 2011. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply