Taxi driver binurdahan ng saksak, tigok

NALILIGO sa sariling dugo at tadtad ng saksak sa katawan ang isang taxi diver matapos na pagtulungang saksakin ng tatlong armadong kalalakihan sa lungsod ng Quezon Martes ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang si Emanuel Siapno, 49, ng Blk. 47, Lot 13 , RS City Homes, Langkaan Dasmariñas Cavite.

Agad naman tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaslang.

Sa ulat ni PO1 Jun Camarines ng Cubao Police Stion 7, naganap ang insidente sa may 16th Ave., Barangay San Roque, Cubao sa nasabing lungsod pasado ala-una ng madaling araw.

Nauna rito’y, napansin ng mga tropa ng tanod ang GMCK taxi (TYH -341) na nakaparada sa kalye na bukas ang ilaw at bahagyang nakaawang ang pintuan.

Dahil dito, nilapitan ng mga tanod ang taxi upang sitahin ang driver, subalit tumambad sa kanilang harapan ang duguang bangkay ng biktimang tadtad ng saksak.

Kaagad ipinaalam ng mga barangay tanod sa pulisya ang natuklasan kaya agad na rumesponde ang mga awtoridad sa lugar.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni PO2 Teribio Besa ng nasabing himpilan na pumalag ang driver kaya pinagtulungan siyang saksakin ng  tatlong suspek hanggang sa iwanang naghihingalo dulot ng mga tinamong tama ng saksak sa katawan.

Nagtamo ang biktima ng siyam na saksak sa dibdib, isa sa kanang binti at mayroon pa itong bakas ng tatlong ngipin sa bukong-bukong ng kamay, palatandaan na kinagat ito ng salarin.

Hinala ng pulisya, hindi holdap ang motibo sa naturang krimen dahil ang mga personal na gamit at pera nito ay hindi kinuha ng mga suspek.

Pinaslang umano ang biktima sa ibang lugar at iniwanan ang bangkay nito sa nasabing lugar upang iligaw ang krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matunton ang pinagtataguan ng mga salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply