Taxi driver, hinoldap na pinatay pa sa QC

PATAY ang isang taxi driver matapos holdapin at pagsasaksakin ng hindi pa kilalang salarin Martes ng madaling-araw sa Quezon City.

Kinilala ni Chief Supt. Rodel Marcelo hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktima na si Emmanuel Siapno, 49, driver ng GMCK Taxi (TYH – 341), at residente ng Blk. 47,Lot 13, 12 St., City Homes Subd., Langkaan, Dasmariñas, Cavite City.

Si Siapno ay natagpuang patay sa loob ng ipinapasada niyang taxi na may mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at naiwan pang nakatusok sa ulo ang patalim na ginamit ng hinihinalang  holdaper.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 1:30 ng madaling-araw nang mapuna ng nagrorondang tauhan ng BPSO na si Alfredo Alquin ang nakaparadang taxi sa 10th Ave., Brgy. San Roque, Cubao.

“Nang buksan ko po ang pintuan ng sasakyan, tumambad sa akin ang duguang bangkay ng biktima na nakahandusay sa upuan ng taxi sa manibela,” ayon sa pahayag sa CIDU ni Alquin.

Hinala ng pulisya na nagpanggap na pasahero ang suspek at nagpahatid sa naturang lugar saka  nagdeklara ng holdap bago pinatay ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply