TD Falcon napanatili ang lakas

NAPANATILI ng Tropical Depression Falcon ang lakas nito habang patuloy na kumikilos pa Hilagang Kanluran.

Ayon sa Severe Weather Bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA),  huling namaataan ang sentro ng Tropical Depression Falcon, 560 kilometro sa Silangan-Hilagang Silangan ng Borongan, Eastern Samar

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro kada oras, malapit sa gitna at inaasahang kikilos pa – Hilagang Kanluran sa bilis na 19 kilometro kada oras

Pinapaigting ng Tropical Depression Falcon ang South West Monsoon na siyang magdadala ng mga pag – ulan sa Visayas at Mindanao.

Mamayang gabi, Hunyo 22, ay inaasahang nasa 520 kilometro na sa Hilagang Silangan ng Virac, Catanduanes ang Tropical Depression Falcon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply