Teachers hindi na gagawa ng lesson plan

INIHAYAG ng consultant ng Department of Education for English book na hindi na gagawa ng “daily lesson plan” ang mga guro ng pampublikong paaralan para sa kanilang ituturo sa mga estudyante.

Sinabi ni Dr. Nilda Sunga, consultant ng Deped sa ginanap na Pulong Balitaan sa Tinapayan, na sabay-sabay nang gagawin ng mga guro ang kanilang mga ituturo sa mga estudyante kasama ang kanilang department heads tuwing summer o bakasyon ng klase para magkakaparehas ang kanilang ituturo.

Dapat din umano na huwag ipilit sa mga mag-aaral ang lengguwaheng Ingles sa mga asignatura na hindi naman kinakailangang magsalita ng Ingles.

“Para sa akin it’s a mortal sin, yong ipipilit mo yong Ingles sa mga bata kung gusto nilang magsalita ng Tagalog kahit na sa asignaturang science at math, e di gawin nila, huwag nilang pilitin. Ang mahalaga ay maintindihan ng mga bata ang lesson,” ayon kay Sunga.

Paliwanang ni Sunga na dapat maintindihan ng mag-aaral ang “mensahe” hindi ang lengguwahe.

Importante umano na maunawaan ng mga bata kung ano ang itinuturo base sa libro, hindi iyong Ingles na lennguwahe dahil hindi nila ito maiaaplay sa kanilang trabaho sa kanilang pagtanda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply