Team ni MVP nagkampeon sa PBA D-League

ISA na namang basketball team ng business tycoon-sportsman na si Manny V. Pangilinana ang nagkampeon sa unang PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang NLEX Road Warriors na diumano’y pag-aari ni Pangilinan ay nakopo ang kampeonato ng best-of-3 finals kasunod nang pagwalis sa Cebuana Lhuillier Gems sa iskor na 61-59, kagabi, Hunyo 16. Una nang tinambakan ng Warriors ang Gems noong Martes, Hunyo 14, sa The Arena sa San Juan City sa iskor na 76-62.

Pantay sa 59-59 na may 8 segundo pang natitira sa last quarter nang masilip ni Pamboy Raymundo ang umiikot na si Ronald Pascual malapit sa goal na kanyang pinasahan sa inbound play. Naibuslo ng best player of the game na si Pascual ang two-pointer para sa kanyang kabuuang 10 puntos sa laro.

Nag-top score si Calvin Abueva sa 2nd at last game ng Road Warriors na labis na nagpasaya kay coach Boyet Fernandez sa panalo.

Nagpahatid din ng pasasalamat si Fernandez sa sports patron na si Manny Pangilinan sa patuloy na suporta nito sa koponan at sa Meralco Bolts management sa pagbibigay ng karapatang makapag-ensayo sa Meralco Gym.

Sa panig ng Cebuana Gems Hyram Bagatsing ang nagsalansan ng 13 puntos na dinagdagan ni Marvin Haze ng 13 at 19 puntos ni Kevin Alas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply