Tenant tinarakan ng senglot na landlord

PATAY ang isang lalaki makaraang dalawang ulit na undayan ng saksak ng kanyang landlord na di umano’y lango sa alak sa Quezon City, Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Police Superintendent Carlito Feliciano, hepe ng Quezon City POlice Station 3 ang biktima na si Macario Adlawan, 39, ng Sinagtala, Mahabang Payong, Barangay Bahay Toro, nabanggit na lungsod.

Nabatid na matapos isakatuparan ang krimen ay agad na tumakas ang suspek na nakilalang si Benito Garay, may-ari ng inuupahang bahay ng biktima.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente pasado 5:00 ng umaga sa tinutuluyang bahay ng biktima.

Pauwi ng bahay ang biktima at habang naglalakad  sa may eskinita ay bigla na lamang lumitaw ang suspek saka inundayan ng saksak sa harap at likurang bahagi ng katawan ang biktima.

Nang humandusay si Adlawan ay agad na tumakas si Garay na pinaghahanap na ngayon ng pulisya.

Inaalam na rin kung ano ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply