Test webcast ng Maguindanao massacre trial bukas

SISIMULAN na bukas, Huwebes, ang test webcast ng Maguindanao Massacre trial sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) compound sa Taguig City.

Ayon kay Supreme Court spokesman Jose Midas Marquez, nakapagsagawa na ng survey sa bisinidad ng kulungan kung saan nakakulong ang mga Ampatuan, mga pangunahing suspek sa krimen, at nakuha na rin umano nila ang mga lugar na paglalagyan ng mga camera.

Magugunitang nakipagdayalogo ang korte sa mga media organization para sa live coverage ng nasabing kontrobersyal na kaso.

Kung magiging maayos ang live webcast, posibleng sa mga susunod na araw ay simulan na rin umano ang live media coverage.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply