Tetay malandi sa TV!

UNTI-unting nabababad na naman sa television si Kris Aquino. Mukhang nakalilimutan na niya ang ipinangako sa Pangulong Noynoy – ang maglie-low sa boobtube para hindi siya nalalagay sa kontrobersiya.

In fairness, hindi na masyadong mataray sa kanyang mga komentaryo si Kris. In fact, kung sino ‘yung mga mukhang basang sisiw na contestants na may talent naman, pinapaboran n’ya. Ipinakikita talaga niya sa publiko na makatao at makamahirap siya.

Ang hindi lang talaga nawawala kay Tetay ay ang kalandian. Kapag guwapo, maganda ang katawan at talagang matikas ang tayo ng isang lalaki, kinikilig siya nang todo.

Sabagay, wala naman siyang asawa. Ang problema lang, bagama’t nakatatawa s’ya sa kanyang pinaggagagawa, hindi pa rin magandang tingnan na publicly and on national television ay kumakarengkeng siya sa mhin.

Anyway, bagama’t once a week lang ang kanyang “The Price Is Right” at twice a week naman ang “Pilipinas Got Talent” at magsisimula na rin ang Kris TV, aba’y talbog pa niya ang araw-araw na may show sa teevee.

Hinay-hinay lang Tetay, huh!

***

John Prats nadadarang na sa init

MALAYO at nasa kabilang bakod si Rachelle Ann Go, kaya ganado ang co-hosts ni John Prats sa “Happy, Yipee, Yehey” na tuksuhin siya kay Bianca Manalo. Feeling yata ng mga kasamahan ni John ay okey lang ‘yun dahil hindi naman nila katropa ang syota ng huli.

Mas oks nga naman kung sina John at Bianca ang magkarelasyon. At least, one big happy family sila, di ba? Hehehe!

Ang huling chikang nadinig namin, tila tinatablan na raw ang dalawa sa isa’t isa. Lalo na raw itong boyfriend ni Rachelle na madalas ay nakabuntot na kay Ms. Manalo. Nagbababad pa raw ito sa dressing room para lang kornerin ang matangkad na dalaga at tsikahin ito ng todo.

Enjoy na enjoy daw ang dalawa pag magkausap ang mga ito.

Nai-imagine ko lang kapag magkasama ang dalawa sa lakaran, hindi kaya magmukhang batit (bata) si John sa tabi ni Bianca?

‘Yung sinasabing break na raw ang pandakekok na binata sa kanyang syotang singer, hindi naman kumpirmado. Ang tama raw, cool-off muna ang dalawa. Pahinga muna sila sa kanilang relasyon dahil napapagod na raw si Rachelle sa kaseselos.

***

TV host nirarayuma buntot pa rin nang buntot sa alaga

MARAMI ang natatawa sa badingding na TV host at sa kanyang talent kuno. Kapag magkasama raw ang dalawa hitsurang maglola ang tingin nila sa mga ito. At kung sagut-sagutin daw ng kanyang talent ang may edad ng TV host animo’y magkadugo sila. Pero ang totoo nito, magdyowa sila. Hahahaha!

Matindi rin ang sikmura ng bagets na ‘to. Talagang na-take niya si lola, huh! Parang gusto kong maduwal. Gwuarkk! Hakhakhak!

Pa’nong di raw maiinis ang bagets e, panay daw ang dakdak ni lola kahit maraming tao. Ang matindi pa, hindi naman siya kasama sa show ng alaga n’ya, pero ang lola n’yo buong ningning na umaakyat on stage at dakdak nang dakdak tungkol sa talent n’ya. Para bang nagse-sales-talk siya sa mall para makabenta. Iyon nga lamang, ang alaga niya ang kanyang binebenta nang harap-harapan sa kustomer.

Over-acting naman ang TV host na ‘to. Tingin nito sa alaga n’ya ito na ang pinakamagaling sa lahat. Ngek!

Hasain n’ya kaya muna ang talent niya sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte para hindi naman kahiya-hiya ang pagmamalaki niya rito.

Ewan at sa lahat ng mhin na dumaan sa buhay ng lola natin, itong si bagets ang talagang alagang-alaga niya. Kulang na lang ay ipagtimpla niya ito ng dede. Hehehe!

Naging special din sa kanya ‘yung mestisong dati niyang talent na ngayon ay nasa pulitika na, pero kakaiba itong ngayon dahil kahit nirarayuma na ay sige pa rin siya sa kabubuntot dito.

Hhmmmm…iba nga naman ang may gatas pa sa labi, masarap lafangin. Hahahaha!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply